Thursday, September 04, 2008
Brgy. Bahay, Libmanan, Camarines Sur
[ Full Text Here ]
Para sa irigasyon naman, pag-iibayuhin ang Libmanan-Cabusao Irrigation Project.
(Applause) Kuwento sa akin nung ibang mga pare dito na itong irrigation na ito, yung ilan sa irrigation canals yan panahon pa ng aking tatay, ni Presidente Diosdado Macapagal. Pero ang problema doon sa mga natayo noong araw, ever since then sa buong Pilipinas ito, wala talagang administrasyon na nagre-rehabilitate kaya isa sa ating priority sa ating administrasyon ay mag-rehabilitate ng mga lumang irrigation projects. Pero dito sa Libmanan-Cabusao narinig ko naman sa mga magsasaka na namamahalan sila dahil pump irrigation.
Kaya mas mabuti na gawin nating dam and gravity. (Applause) At hindi ba pag dam, gravity na, ano? Pag dam, gravity na, di ba? Okay. So, yung kasalukuyan naglilingkod sa 1,500 hectares, gagastos tayo ng 700 million pesos para sa dam para magkaroon ng apat na libong ektaryang madidiligan ng Libmanan-Cabusao. (Applause) Sayang si Artie Yap wala dito kasi may flu kasi gusto niya personally ipakita sana sa inyo yung kaniyang advertisement sa Philippine Star. Dahil last Saturday, ginawa na yung unang publication para sa bidding ng Libmanan-Cabusao Dam and Irrigation Project na siya ang pinakamalaking component ng Bicol River Basin Project. (Applause)
Para naman sa flood control. Kailangan ang 600 million pesos para sa dalawampu’t apat na kilometrong embankment sa gilid ng ilog sa Libmanan-Cabusao, pati na rin ang flood gates. Mula nung 2005, baka hindi niyo nahahalata, kunti-konti naglalabas tayo, nagtatayo ng revetment at 170 million na ang nagastos. Pero gusto natin pabilisin. Kaya kinausap ko si Secretary Ebdane na magrelease na ngayon ng 200 million pesos pa para mapabilis ang embankment ng Bicol River Basin. (Applause)
Grave stupidity! Gloria doesn't know what she's talking about!
